WORDPRESS THEMES
Unang-una, kailangan mong malaman na karamihan sa mga blogs na binibisita mo na talagang nagagandahan ka sa disenyo at kulay ay hindi masyadong pinaghirapan. Maliban na lang sa mga talagang wordpress designers na nag-customize talaga ng sariling theme nila para sa kani-kanilang mga blog. Ano ba yung theme? Pareho ng theme sa cellphone mo, ang Wordpress Theme ang nagdidikta kung ano ang magiging itsura ng iyong blog. Ang magandang balita ay may libo-libong libreng Wordpress theme ngayon sa Internet, at maaari mo silang gamitin ng walang kahirap-hirap.
- Pumili at mag-download ng theme na napusuan mo sa alin man sa mga websites na ito. http://themes.wordpress.net/ / http://www.wpthemesfree.com/
- Mag-login sa iyong FTP Server gamit ang client. I-upload ang napili mong theme sa web folder mo na public_html/wp-content/themes/.
- Mag-login sa iyong website. I-activate ang theme na kaka-upload mo pa lamang sa Presentation na tab.
WORDPRESS PLUGINS
Ano ang Wordpress Plugins? Kung sanay ka ng magbasa ng ibang blogs, yung mga Photo Sections, Poll Sections, Tags, No. Of Visitors, at iba pang nagpapaganda ng mga blog ay tanging mga plugins lamang. Sindali lang silang i-install gaya ng theme.
- Pumili at mag-download ng kailangan mong theme sa website na ito. Wordpress Plugins
- Mag-login sa iyong FTP Server gamit ang client. I-upload ang mga plugins na na-download sa web folder mo na public_html/wp-content/plugins/.
- Mag-login sa iyong website. Paganahin o i-activate ang plugin sa Plugins na tab. Kung may kasamang instructions ang na-download mo na plugin, mangyari ay basahin ito at sundan ang instructions upang mai-setup ng maayos ang nasabing plugin.
KALIKUTIN ANG BLOG
Kung programmer ka, maaari mong paglaruan ang mga codes ng iyong theme upang mabago ang itsura nito: mula sa kulay, laki, pagkakasunod-sunod, at kung anu-ano pa. Pumunta lamang sa sa Presentation->Theme Editor. Nakasulat ang mga programs na ito using CSS(Cascading Style Sheet). Karaniwan, dito mo rin ilalagay ang mga advertisement codes upang makapag-display ng ads ang iyong website. Huwag matakot na galawin ang iyong theme. Siguruhin lamang na may back-up ka parati nito upang madali mo silang maibabalik sakaling masira mo man ang pagkaka-program nila.
Sa mga hindi naman programmer, hindi mo talaga kailangang paglaruan ang iyong theme. Maaari mo namang ibahin ang placement ng iyong sidebar sa pamamagitan ng Sidebar Widgets. Halos lahat ng kailangan ng blog mo ay naka-widgetize na, gaya ng Recent Posts, Categories, Recent Comments, at Archives. Kung may mga text ka na gustong ilagay, maaari mong gamitin ang Text Box. Tip: Maaari mong i-paste ang iyong mga advertisement codes sa isang text box upang ma-display ito ng mabilis sa Sidebar.
Technorati Tags: magpalit ng theme, mag-install ng plugin, program wordpress







white australia green dog home
July 20th, 2008