Kung maayos na ang blog mo at humahatak ka na ng marami-raming mambabasa, oras na upang bigyan mo naman ng pabuya ang iyong sarili dahil matagumpay mong naitayo ang iyong blog. Sabay nating gagawin ito, sapagkat naniniwala ako na hindi ko pa nasusubukan ang lahat ng paraan upang kumita ng pera gamit ang Internet. Ang mga pamamaraan dito ay patungkol lamang sa pagb-blog, ngunit hindi ko isinasara ang pinto sa iba pang maaaring pagkakitaan—hangga’t hindi ilegal. Karamihan sa aking ibabahagi dito ay subok ko ng mga advertisement programs, at ang iba sa kanila ay patuloy pa ring sinusubukan upang makapagbigay sa iba–sa inyo–ng maayos na review at tulungan kayong hanapin ang tamang advertisement program para sa inyong mga blog.
Maging Tunay Na Blogger sa Pamamagitan ng Google Adsense
Pandagdag na Siguradong Kita sa Bidvertiser
Kumita sa Pamamagitan Ng Referrals ng Text Link Ads
Isugal ang Iyong Oras at Ad Space sa Adbrite
Ipakita ang Blog Mo sa Buong Mundo sa Komisyon ng WidgetBucks
Technorati Tags: maglagay ng ads sa blog upang kumita







ayos ah
March 28th, 2008